kakatapos lang naman ng periodical namin 14.5 nga lang ako sa over all namin pero at least kahit papano kasama na yung panghapon doon. sorry nga pala kung hindi ako nakapagblog ha?. alam nyo yung ate ko nakakaawa kasi nagkwento siya saakin kagabi, sabi niya "kahit isang araw di ko nakalimutan si Mela at kahit isang minuto hindi siya mawala sa isip ko.." sabi niya pa nga wala raw siyang makuwentuhan kasi wala naman daw nakikinig sa kanya (anong tawag niya saakin?!) sabi nya kapag kinakausap niya raw ang mga kaibigan niya at si mama parehas lang daw yung sinasabi nila na "Akemi, matagal na iyon mag move on ka na...." sabi niya saakin "eh paano kung hindi ako makamove on kasi hindi ko ma-express yung feeling ko? para kasi saakin sariwa pa yung alaala ko ng pangyayaring iyon" para ngang sa tingin ko iiyak na siya kagabi pero pinipigilan niya lang yung luha niya. Hayaan mo ate! nandito ako, sa tabi mo kahit na may pagkasira yung ulo ko! I'll suport you all the way! Kaya mo yan!
bisitahin niyo rin ito : www.melanie143.blogspot.com www.persey.blogspot.com
|