Friday, August 22, 2008
August 23, 2008, ganap na ika-9: 30 ng umaga, naganap ang makatindig-balahibong Card Giving Day. Ito ang araw na kinatatakutan ng lahat. Dito nalalaman ng mga estudyante sa ParSci kung sila ba ay may bagsak o sila ba ay pasado sa lahat ng asignatura.
May pasok sa aming paaralan ngayong araw, kahit na ngayon ay Sabado. Dahil sa pagsuspinde ng mga klase noong Miyerkules ay hindi na kami nakagpag-AP, TLE at Statistics, kaya iyun lamang ang asignatura namin ngayon.
Tulad ng nakagisnan ay pumasok ako ng paaralan at hindi na pinansin ang pagod na nararamdaman. Pagkapasok ng silid-aralan ay kinuha ko ang aking kwaderno sa Stat. mula sa aking "locker" at gumawa na ako ng takdang-aralin. Unang asignatura ang AP. Sumunod ang TLE. Binago ang aming "seating arrangement" at hayun, Stat. na. Pagkatapos ng Stat. ay pumirma kami sa Payroll (pinagbabasehan ng pagkuha ng allowance). Pagkatapos ay Card Giving Day na.
Ang mga Mag-aaral na nasa Top Ten ay sina...
#1. Jay-jay (Juan Jesus dela Cruz)
#2. Ramonchito (Ramonchito Saripada)
#3.5. TM (Terence Martin Reyes)
#3.5. Erika (Girard Erika Panganiban)
#5.5. mm (Marela Marie Ignacio)
#5.5. Irish (Irish Claudette Lamdagan)
#7. Camsy (Ma. Camille Victoria Corpuz)
#9.5. Felix (Christian Felix Navarro)
#9.5. Jonah (Jonathan Balog)
#9.5. Baste (John Nichole Sebastian)
#9.5. Aika (Aika Gail Vera Cruz)
Bagaman ako'y hindi napasama sa mga Top, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Hindi ko sinisisi ang mahigpit na kumpetisyon sa loob ng aming silid-paaralan. Hindi ko rin sinisisi ang aking mga guro.
Mayroon nga pala akong dalawang bagsak. Ito ang Stat. at Biology. Parehas silang 84 na bahagdan. Babawiin ko na lamang sa susunod na "Grading"
10:17 PM*